Wednesday, August 13, 2008

Patintero sa Welcome Rotonda

Heto na naman mga kababayan natin nakikipag-patintero sa mga kotse sa may Rotonda. Eh ayan malinaw na malinaw na bawal tumawid. Ale, nakabihis pang-opisina pa naman kayo at mukhang may pinag-aralan, huwag nyo na tularan yang mga sigang bakulaw na yan. Teka, diba may pedestrian overpass dyan lang sa tabi dyan? Bakit di nyo gamitin? Bakit di nyo gamitin mga kokote nyo? Mga unggoy nga!







EDSA sa may SM North

Hoy! Unggoy kang FX ka (plate# PXH740) sinabi nang no loading & unloading dyan (di kita sa litrato pero nagsasakay yan) Hoy Miss huwag ka dyan, dun ka sa tamang sakayan.



Hoy Pascual Liner umayos ka. Bawal dyan! Ito namang mga pasahero, di nyo ba nababasa yang karatula sa likod nyo? "Bawal ang tao dito." Kung sabagay, di naman kayo mga tao...mga unggoy kayo! Sayang may itsura pa naman yung naka-blue.

sa may Hi-Top (Quezon City)


Sa Quezon Blvd sa may tapat ng Hi-Top grocery bawal magsakay at magbaba dun sa pailalim ng underpass. Pasahero at driver nitong bus mga unggoy di marunong sumunod.


...at bawal din tumawid. Kahit walang karatula punyeta di ba halata at wala namang pedestrian crossing? Ale, gamitin mo kokote mo ang tutulin nyang mga sasakyan na yan. Tapos pag nabundol ka kasalanan nila eh ikaw ang tatanga-tanga?!?! Hoy manong, ginawa mo pang silungan yang karatula, sundin mo kaya nakasulat?!

Hoy Warshock umayos ka! Gusto mong ma-Warshock ko yang mukha mo?!


Ayan may mga nakikipagpatintero na naman sa sasakyan, mga nag-jaywalk mula sa kabila.


Naaalala nyo ba yung patalastas na “Ang maling ginagawa ng mas nakatatanda ay nagiging tama sa mata ng bata.”? Ito ang pinakamalupit: inilagay na ang anak sa panganib, tinuturuan pa ng kabalbalan.




Huling huli itong mga unggoy na Footprints 3368 na may plakang TWS278 at itong FX na may plakang TMV442. How's my driving? Call/text LTFRB 0921-4487777. Nasubukan nyo na bang itext o tawagan yan? Pustahan tayo peke yan. Wala namang nangyayari eh. Nagkakahulihan ba? O puro ungguyan lang?