Hoy mga unggoy, bagong taon na, mag bagong buhay na kayo!!! Hindi nyo pa ba nababalitaan na bawal ang mag-motorsiklo na walang helmet?
Ano ba ang pakialam ko kung sumemplang kayo ng di nakahelmet at kumalat ang utak nyo dyan sa kalye? Sa style nyo magpatakbo eh di malayong mangyari yan. Wala, wala akong pakialam*. Mas napaperhuwisyo ako sa pagsingit-singit nyo at pakabig-kabig nyo na walang senyas pero sa totoo lang mahirap hulihin ng camera. Mas madaling kuhanan na wala kayong helmet. Pasensya na, tao lang. Oo, tao. Di tulad nyo: unggoy.

Sayang ang helmet, inilagay lang dun sa likod. Nasaan ba ang utak mo, sa puwet? Ako kasi nasa ulo ko ang utak ko kaya dun ko ilalagay ang helmet. Plaka ng motor:
FP 2876
*Diba sinabi kong wala akong pakialam kung ano'ng gawin nyo? Itong ganitong ugali ikinapipikon ko. Mga walang kwentang magulang kayo, inilagay nyo pa sa panganib ang mga anak nyo! Dapat sa lalaking iyan ay sagasaan ng motorsiklo ang bayag at walang karapatan yan magkaroon ng supling.

Seryosng tanong: pa'n sya maghehelmet? Seryoso.
Sa bawat sampung nakikita kong violators ay dalawa lang ang nakukunan ko ng litrato, pero marami pa rin akong kuha! Para di masyadong humaba itong post na ito, di ko na nilagay lahat ng kuha kong litrato. Heto ang ilang mga plakang kitang kita sa litrato.
7156 PI2696 PF5035 NMTD 7754UD 5143DZ 5600Gusto mo ba makita lahat ng litrato? Sige
click mo dito para makita lahat ng unggoy.
Ayan ang sinasabi ko. Pano ba naman susunod ang mga kababayan natin eh mismong mga ungas na Pulis, MMDA at LTO officers e di marunong sumunod sa simpleng batas? Bigyan ng ticket ang mga bwiset na yan!

Magkaangkas na MMDA unggoy. Location: Quezon Bldvd sa intersection ng Araneta.

Isang pulis... Location: Quezon Blvd.

Dalawang pulis... Location: Taft Avenue sa tapat ng La Salle.

Tatlong pulis mga unggoy! Location: Taft Avenue sa tapat ng La Salle.
Kawawa naman ang Pilipinas.