Monday, August 24, 2009
May Facebook account na ang Hoy Unggoy! Nasa proseso ako ngayon ng pag-post ng mga lumang content na galing pa sa original site ng Hoy Unggoy! at nangongolekta din ako ng mga bagong content. Ang inaasahan natin ay makuha ang participation ng marami, at makatanggap ng contributions ng mga nakikita nyong ka-ungguyan sa araw araw. Maraming salamat!
-Bayani
Saturday, February 21, 2009
Helmet
Ano ba ang pakialam ko kung sumemplang kayo ng di nakahelmet at kumalat ang utak nyo dyan sa kalye? Sa style nyo magpatakbo eh di malayong mangyari yan. Wala, wala akong pakialam*. Mas napaperhuwisyo ako sa pagsingit-singit nyo at pakabig-kabig nyo na walang senyas pero sa totoo lang mahirap hulihin ng camera. Mas madaling kuhanan na wala kayong helmet. Pasensya na, tao lang. Oo, tao. Di tulad nyo: unggoy.
Sayang ang helmet, inilagay lang dun sa likod. Nasaan ba ang utak mo, sa puwet? Ako kasi nasa ulo ko ang utak ko kaya dun ko ilalagay ang helmet. Plaka ng motor: FP 2876
*Diba sinabi kong wala akong pakialam kung ano'ng gawin nyo? Itong ganitong ugali ikinapipikon ko. Mga walang kwentang magulang kayo, inilagay nyo pa sa panganib ang mga anak nyo! Dapat sa lalaking iyan ay sagasaan ng motorsiklo ang bayag at walang karapatan yan magkaroon ng supling.
Seryosng tanong: pa'n sya maghehelmet? Seryoso.
Sa bawat sampung nakikita kong violators ay dalawa lang ang nakukunan ko ng litrato, pero marami pa rin akong kuha! Para di masyadong humaba itong post na ito, di ko na nilagay lahat ng kuha kong litrato. Heto ang ilang mga plakang kitang kita sa litrato.
7156 PI
2696 PF
5035 NM
TD 7754
UD 5143
DZ 5600
Gusto mo ba makita lahat ng litrato? Sige click mo dito para makita lahat ng unggoy.
Ayan ang sinasabi ko. Pano ba naman susunod ang mga kababayan natin eh mismong mga ungas na Pulis, MMDA at LTO officers e di marunong sumunod sa simpleng batas? Bigyan ng ticket ang mga bwiset na yan!
Magkaangkas na MMDA unggoy. Location: Quezon Bldvd sa intersection ng Araneta.
Isang pulis... Location: Quezon Blvd.
Dalawang pulis... Location: Taft Avenue sa tapat ng La Salle.
Tatlong pulis mga unggoy! Location: Taft Avenue sa tapat ng La Salle.
Kawawa naman ang Pilipinas.
Tuesday, November 18, 2008
Buti Nga Sa'yo, Unggoy!!!
Crooked cabbie mistakes LTO chief for 'promdi' passenger
By Perseus Echeminada Updated November 09, 2008 12:00 AM
After mistaking the Land Transportation Office (LTO) chief for a promdi passenger and charging him P700 for a ride to Quezon City, a taxi driver at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) found himself in detention, without a license and his cab impounded.
The erring driver made the serious mistake of refusing to flag down the cab meter for his passenger, whom he did not realize was LTO head Alberto Suansing.
“The driver, who mistook me for a promdi (Filipino slang for someone ‘from the province’), refused to flag down his meter and told me that I have to pay P700 as fixed fare,” Suansing told The STAR.
“I just ignored him and told him to proceed to Quezon City,” he said.
Suansing said he took the airport taxi to verify reports of drivers ripping off passengers, especially from the provinces.
On the road, the driver kept asking him for the specific destination but Suansing merely told him to keep driving to East Avenue.
East Avenue is where the LTO head office is located. Sensing something was amiss, the driver asked Suansing who he was and insisted on knowing where they were going.
Upon reaching East Avenue, Suansing instructed him to enter the LTO compound. The now panic-stricken driver asked him again,“Sino ka ba? Bakit sa LTO tayo papasok? (Who are you? Why are we going into the LTO?)”
Suansing then told the bewildered driver: “I am the chief of the LTO. I am arresting you for taking advantage of a passenger.”
Suansing said he has confiscated the license of the erring driver and also impounded the taxicab.
Wednesday, October 22, 2008
Sa may Nagtahan sa tapat ng P.U.P.
Hoy unggoy bawal dyan! I-click nyo itong litrato makikita nyo ang plaka ng jeep TVW368.
Heto pa, click nyo itong litrato at makikita nyo ang plaka nitong ungas na driver na ito TVK797.
Dito naman tayo sa mga nagpapakamatay sa may paakyat ng flyover mukhang determinado ang mga tao dito na lumabag sa batas at magpakamatay. Ang dami nang karatulang "No Crossing" at "Bawal Tumawid" (o Tagalog at Inggles na yan!), meron pang bakod na bakal at huwag natin kalimutan ang anim na lane ng mabibilis na sasakyan! Kahit di mo lagyan ng karatula at harang kahit sino namang di isa't kalahating bobo ay maiisip na di tawiran ang lugar na ito!
Bakit ba mainit ang ulo ko sa jaywalkers? Kasi di nila naiisip na sa ginagawa nila ay di lang sarili nila ang inilalagay nila sa peligro, pati mga motorista at ibang pedestrian. Eh pano kung magulat yung motorista at biglang napakabig sa pag-iwas sa mga unggoy na yan? Di malayong madisgrasya pati mga sakay nila at makasagasa pa ng ibang tao. Bukod pa dun, pa'no aasenso ang bansa natin kung ang simpleng "bawal tumawid" ay di nila kayang sundin?! Punyeta ang kakapal ng mukha nyong magreklamo ng kaliwa't kanan sa kabulukan ng bansa natin eh kayo ang bulok ang utak mga hayop kayo!
Heto napipikon ako tuwing nakakakita ako ng ganito. Hoy Ale huwag mong idamay yang mga anak mo sa kagagahan mo! Walanghiya inilagay mo na nga sa peligro tinuruan mo pa ng kabalbalan! Leche ka!
Anong eskwelahan ba yang uniform na yan? Punyeta nag-aral pa kayo di naman kayo natuto bumasa! Tumalon pa yung isa dyan sa bakod na parang gagambino.
Determinado talaga itong mga ito parang mga stuntman na umaakyat pa ng bakod. Teka alam nyo kung ano pa ang mahilig umakyat ng bakod: UNGGOY!!
Balik tayo sa mga nagbababa at nagsasakay sa bawal. Heto champion di nga tumapat sa karatula pero sa gitna ng kalye nagbaba! Panalo sa kapal ng mukha! Hoy TXG228 dapat sa'yo pagulungin dyan sa gitna ng kalye at kaladkarin ng jeep!
G-Liner bus# 5061
Plate# TXL519
G-Liner bus#221 Plate# NYM612
Yan-yan John-john Plate# PVT142 ipagpatuloy mo yan hayop ka.
Ang dami kong nakuha ngayon pero sa bawat sampung unggoy na lumabag sa batas ay dalawa lang ang nakunan ko. Ganun karaming walanghiya sa lugar na ito kung saan mayroong police station sa ilalim nung flyover at meron din MMDA office sa tabi ng PUP! Ano'ng ginagawa ng mga unggoy dun? Your taxes at work.
Greenhills
Aba si Lola jaywalker din. Lola, ang batas ho ay para sa lahat. Di ho exempted ang seniors. Para din ho sa ikabubuti nyo. Punyeta kayo.
Sige takbo mga utak kabayo!
Aba at may pangiti-ngiti pa sa camerang nalalaman ang mga ito. Ang papanget nyo! Eh kung ingudngod ko kaya kayo dun sa karatulang "Walang Tawiran" ngingiti pa kaya kayo?!
Tuesday, October 21, 2008
Sa tapat ng LTO East Ave QC
Pare wag kang mag-suicide. Wag mo salubungin yang bus. Ay sige pala magpakamatay ka na at nakakahiya ang mga mga katulad mong unggoy. Hoy kayo dyan na nagja-jaywalk sumama na din kayo magpasagasa na kayo.
Anong uniform ba yan? Di ko kilala eh. Basta unggoy ka pa rin leche ka! Si ate naman kasi natakpan tuloy yung nameplate.
Heto panalo, MMDA officer nagja-jaywalk. Hanep, may kamay pa pang-pigil sa kotse. 'Taragis sagasaan nyo yan!
Ang dami talagang jaywalkers! Di na nila naiisip na nilalagay nila ang sarilli nila at pati mga motorista sa peligro? Dun nga kayo sa tamang tawiran! Mamang pulis pagsabihan nyo nga sila...teka, jaywalker ka din?!?! PUNYETA KA!!!