Heto na naman tayo. Sa may Nagtahan ito sa may tapat ng P.U.P. dito muna tayo sa may bandang Vicente Cruz ugali ng mga jeep at bus na magbaba sa tapat mismo ng NO LOADING/UNLOADING sign. Sobrang dami kong nakuhanang nagva-violate sa lugar na ito sampung minuto lang ubos na halos memory ng camera ko!
Hoy unggoy bawal dyan! I-click nyo itong litrato makikita nyo ang plaka ng jeep TVW368.
Heto pa, click nyo itong litrato at makikita nyo ang plaka nitong ungas na driver na ito TVK797.
Dito naman tayo sa mga nagpapakamatay sa may paakyat ng flyover mukhang determinado ang mga tao dito na lumabag sa batas at magpakamatay. Ang dami nang karatulang "No Crossing" at "Bawal Tumawid" (o Tagalog at Inggles na yan!), meron pang bakod na bakal at huwag natin kalimutan ang anim na lane ng mabibilis na sasakyan! Kahit di mo lagyan ng karatula at harang kahit sino namang di isa't kalahating bobo ay maiisip na di tawiran ang lugar na ito!
Bakit ba mainit ang ulo ko sa jaywalkers? Kasi di nila naiisip na sa ginagawa nila ay di lang sarili nila ang inilalagay nila sa peligro, pati mga motorista at ibang pedestrian. Eh pano kung magulat yung motorista at biglang napakabig sa pag-iwas sa mga unggoy na yan? Di malayong madisgrasya pati mga sakay nila at makasagasa pa ng ibang tao. Bukod pa dun, pa'no aasenso ang bansa natin kung ang simpleng "bawal tumawid" ay di nila kayang sundin?! Punyeta ang kakapal ng mukha nyong magreklamo ng kaliwa't kanan sa kabulukan ng bansa natin eh kayo ang bulok ang utak mga hayop kayo!
Heto napipikon ako tuwing nakakakita ako ng ganito. Hoy Ale huwag mong idamay yang mga anak mo sa kagagahan mo! Walanghiya inilagay mo na nga sa peligro tinuruan mo pa ng kabalbalan! Leche ka!
Anong eskwelahan ba yang uniform na yan? Punyeta nag-aral pa kayo di naman kayo natuto bumasa! Tumalon pa yung isa dyan sa bakod na parang gagambino.
Determinado talaga itong mga ito parang mga stuntman na umaakyat pa ng bakod. Teka alam nyo kung ano pa ang mahilig umakyat ng bakod: UNGGOY!!
Balik tayo sa mga nagbababa at nagsasakay sa bawal. Heto champion di nga tumapat sa karatula pero sa gitna ng kalye nagbaba! Panalo sa kapal ng mukha! Hoy TXG228 dapat sa'yo pagulungin dyan sa gitna ng kalye at kaladkarin ng jeep!
G-Liner bus# 5061
Plate# TXL519
G-Liner bus#221 Plate# NYM612
Yan-yan John-john Plate# PVT142 ipagpatuloy mo yan hayop ka.
Ang dami kong nakuha ngayon pero sa bawat sampung unggoy na lumabag sa batas ay dalawa lang ang nakunan ko. Ganun karaming walanghiya sa lugar na ito kung saan mayroong police station sa ilalim nung flyover at meron din MMDA office sa tabi ng PUP! Ano'ng ginagawa ng mga unggoy dun? Your taxes at work.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
masama naman ata na tawagin ang mga tao na unggoy
Post a Comment